OMG – My first ever PODCAST
Eherm… well, if it is my first, then it’s presumably my worst. Haha. What a prick I am. Hope you bother hovering your mouse pointer over the play button of mine. Huhuhu… I was inspired to Juice’s podcast. Tried to have at least one just to check my voice quality… if there’s any. ^_^. Definitely I WILL NOT SING. I can’t. haha. Training ground for broadcasting, perhaps? But honestly it was awkward to record while the rest of my relatives are around. It’s so intimidating.
I’ve uploaded a speakerphone version of today’s post. I hope you appreciate my effort just in case you don’t want to read and instead listen to my clumsy reading. ^_^ Don’t mind the mispronunciation and noseblowing. I was eating. ^_^
O BTW, fllnngl tagged me. Refer to this post about this Random Like yadda-yadda describing tags. Thanks fllnngl!
—————
Someone challenged me to do a wholly Tagalog post. Well actually, I had a wholly Tagalog post last April—a special post about my closest publication colleague Maria Theresa Pangilinan (well, if you don’t know her, they will tell you). Ok. I’ll do it for the 2nd time. Hope it’ll be my last.
Mind you… you’ll be expecting a lot of bulolled (coined term) vocabularies here. Haven’t been writing eloquently straight in Tagalog for the past few years that’s why I’m barbarically having a hard time writing news stories for Mr. Jun del Rosario (a former Senior Manager of ABS-CBN News Dept). Because of that, I feel like I’ve been sinful nationalistically to our Mother Land (hate you, Americanized/Westernized education)Might give you hints that there will be portions of TH (trying hard) highfalutin Tagalog terminologies which I’ve learned in reading Jose Rizal’s novels and, of course, conversations with some natives in Indang. Bisaya, pwede pa ako, ga. Korean, gure! Tagalog, sa email siguro for my Dad.
PAGTULONG NANG WALANG TIYAK NA KABAYARAN
Naging abala ako (*nose bleeds) sa aking akademiko nitong mga nagdaang araw. Naisip ko, unti-unti nang nalalanta ang aking mga talulot sa pagpasok ko sa pamantasan. Hindi tulad ng dati, kahit na magkasakit ako mula sa isanlibo’t isang kagat ng Aedes egypti sa pwet habang nakasalampak ako sa kama nang patiwarik, pinipilit ko ang katawan kong maligo’t magbihis para sa mga klaseng nakasalalay ang class standings ko noong highschool. Ngayon, kahit umambon-ambon lang diyan sa may labahan ng aming tinutuluyang apartment, pakiramdam ko katapusan na ng mundo.
Kantyaw ko nga sa aking mga kaklaseng masipag na gumigising sa akin tuwing alas-6 ng umaga, malapad ang kama, malambot ang unan, malamig ang hangin, mahalumigmig ang kapaligiran, makulimlim ang kalangitan Para saan ba ang ganitong mga biyaya ng Maykapangyarihan? Tutal, sabi ko sa kanila, hindi naman ako nag-aalala dahil matalino naman ako sa paningin ng faculty ng KabSU at hindi ko daw kailangan pang alalahanin ang aking mga marka sa aking kwadrado.
Ngayon, iniisip ko na lang ang prinsipyong parang utot ng aking kuya kung lumitaw sa aking kukote.
‘Kailangan kong yumaman bago mag-asawa’.
Mag-asawa—bibilang muna ako ng tupa bago ko marating ang kahahantungan ng paglagay ko sa aking sarili sa matiwasay na katahimikan. Kulang na lang, may sisiw sa ibabaw. Biskwit at kape, meron ka ba?
Pinapasikat ko na rin sa aking mga kaTROFAMILYKADA (na nagsimula dahil sa walang kakwenta-kwenta naming professor sa Intro to Film and Audiovisual Communication) ang aking CD burning business. Sabi ko, mula ngayon, adhikain ko nang palawigin ang kapangyarihan ng piracy sa Cavite dahil sa monopolistang Bill Gates na iyan na wala nang ginawang iba kundi magpalaki ng bayag sa paggagawa ng virus sa mundo ng internet. Kung alam niyo lang, gamit ko ngayon ang super-bago-ngunit-piratang Microsoft Office 2007 na nadownload ko lang gamit ang bago kong bestfriend na si Azureus. O di ba, close kami sa isa’t isa? Hindi lang Media Player 11 Hacked, Nero 7 Premium, Adobe Creative Suite 2, Internet Explorer 11, Limewire Pro 4.11, atbp ang iniregalo sa kin ni Azureus. Pati ang superlaking Encarta 2006, Rosetta Stone Japanese, Visual Basic, at ilan pang malalaking programs, nadownload kong lahat nang hindi ako gumagastos ng Php 500,000.00.
Sabi ko sa sarili ko, ang presyong pinapataw ng mga software developers ay kasakiman. Kung hindi pa ako mamimirata, kalian ko pa mapapag-aralan ang mga programs na ito na kakailangan ko sa aking trabaho? Hindi ba’t ang edukasyon ay karapatan ninuman? Buti na lang, ininspire ako ni Captain Sparrow. Piracy is the best policy.
Umalis ako kahapon para tulungan ang aking katropang si Kuya Emman. Kuya, dahil ayoko siyang tawaging Manong. Tatay na naming siya sa grupo. May proyekto kasing pinapagawa ang kanyang irog na ipapasa sa Huwebes. Eto ako, inialay ang aking talento para sa kanya. May bayad pa nga daw, sabi niya. Naku, okay na sanang walang kabayaran. Kaso, tinanong pa ako kung magkano ang pagpapagawa ng Powerpoint-based 2d animation with commentary story sa kin. Nahiya tuloy ako. Ni minsan, hindi ko pinresyuhan ang sinumang humihingi ng pabor sa akin. Basta matuwa lang sila kahit walang bayad, ok na sa kin yun.
Nakarating kami ng SM Manila mga 9 am ng umaga. Dahil sa mukhang mahuhuli sa pagdating ang irog ni Kuya Emman, minungkahi ko nang maghanap kami ng mga computer centers na pwedeng paggawan ng kanyang Powerpoint Presentation. Marami pala sa SM Manila ng mga computer centers. Ngunit hindi pala.
Kamakailan lang ay naglunsad ng malawakang pagkuyog ng kapulisan ng Maynila upang halughigin ang mga computer centers na gumagamit ng pirated softwares. Partikular sa hinanting nilang mga programs ay ang Microsoft Windows, Microsoft Office, at Adobe Creative Suite. Naging talamak diumano ang pagkalat ng mga computer centers na ilegal na gumagamit ng naturang mga softwares na hindi man lang binabayaran ang karampatang presyo ng lisensyang nakalakip sa bawat program.
Aun, nakaisang laksang siyam-siyam na namaga ang aming mga pata sa kakahanap ng mga computer centers na merong Powerpoint. Wala po kami, sagot ng mga hinayupak. Nasira ang umaga ko noon.
Ngunit sadyang masyadong maganda ang pagkakakanta ni Sarah Geronimo ng Bituing Walang Ningning (mahal kita, idol) at nakatsamba ang inyong lolo sa isang panget (wow! Panglait!) na computer shop na patagong nag-ooperate ng isang PC na may nakainstall na Powerpoint Year of the Kopong-kopong. Pinagtyagaan na naming gamitin ito kaysa naman sa mabigwasan ang aking Kuya Emman ng family ng kanyang irog kung dederetso kami sa kanilang tahanan.
Galante ang kanyang irog. As in super. Ilang sandal lang at nag-lunch time na. Umalis lang sandali ang mag-irog para daw bumili ng panglunch. Ilang minuto pa, may two-chicken meal na ako with frech fries, mineral water and large Coke na ako sa harap. Maya-maya pa, biglang kumaripas ng takbo si Kuya Emman. Extra rice daw para sa akin. Naku, naubos ko na ang manok. Nang magmeryenda alas-dos, bumili ng brownies. Naku, hindi ako ginugutom ng magsing-irog.
Natapos namin itong Powerpoint presentation mga alas-kwatro ng hapon. Humirit pa ang magsing-irog. Tinreat pa ako sa Burger King sa SM Manila na noo’y pinamugaran ng mga adik sa deodorant. Hindi, nandoon kasi ang First Day High gang. Wow, ganda pala ni Sosy High sa personal. Pandak pala talaga si Boy 2 Quizon. At, parang tore na tinubuan ng kagwapo-gwapong mukha itong boyfriend ni Kyla.
Tinanong ko sila kung bakit sila sobra kung gumastos para sa kin. Wag daw akong mag-alala. Gagastos naman daw sila para sa pagkain. Tutal, pagkain rin naman ang habol nila at hindi lang naman daw ako ang kakain. Nakakatuwa talaga silang tingnan. Sabi ko kasi sa kanila, wala kasi akong dapat pagkagastusan kundi murang pantawid ng gutom at pang-internet. Tawa ang maglola.
Umuwi kami kinagabihan. Nakaidlip ako saglit nang bigla akong kinalabit ni Kuya Emman. May mukha ng ka-b-day kong si Benigno Aquino sa kanyang kamao. Asus, bigla tuloy akong nagmukhang sinampal ni Cherrie Gil sa hiya. Napakalaki nang ginastos ng kanyang irog para sa akin tapos may kwarta pang kasama. Binusog na nila ang tapeworms sa aking tiyan tapos, me datung. Una’y tumanggi ako, pero sa pamimilit tinanggap ko rin. Kunin ko na raw dahil baka masulot pa kami ng mga magnanakaw sa maynila. Pambaon rin ito na hindi hihingiin kay Mommy. Pero kung nagkataon, hindi ko na sana tinanggap. Sapat na sakin na nagustuhan nila ang comedy presentation na ginawa ko.
Hindi ko alam kung bakit pero mahirap sa akin ang tumanggap ng kabayaran lalo pa’t itatanong pa sa akin kung anong kabayaran ang dapat kong matanggap. Malaking utang na loob na ang pagiging kaibigan ko sila. Dahil sa tanang buhay ko, sila lang ang mga naging tunay kong kaibigang hindi sinasahuran ng tubig tuwing naliligo sa palikuran. Sapat na sa akin ang maging tapat sila sa sarili nila na kilalanin ako bilang ako. Kaya kung may tulong na hihingiin sila, basta’t hindi ako napipilitan dahil sa kung anong Poncio Pilatong magsasabi sa king dapat kong gawin yun, iaalay ko ang aking kapangyarihan.
Categories: Personalan












Latest Comments
Neil Es2pido, jez
Neil, tin-tin, Neil Es2pido, Rommel
Neil Es2pido, raymond, Neil Es2pido, Neil, fruityoaty
Pinoy Jokes, Neil Es2pido, belen